MyGirlfriends ❤

They’re my inspiratioooon! V^___^V sila rin yung taong nagpapangiti, whenever I’m sad. Tyaka pag may problema ka, nandyan sila, papatawanin ka. Drama drama mo, kung maka emote ka wagas, tas yung gago mong kaibigan, eepal tas magpapatawa. Tatawa ka na rin tuloy. Nakakalimutan mo na yung problema mo. Sila rin yung pwede mong yakapin, pag ang sakit sakit na talaga. 😄 Tas ano, yung sasabunutan mo pag sobrang tawang tawa ka. Papaluin mo, tatadyakan mo. Pwede mong mura-murahin ng GAGA, LETSE. Pero tatawanan ka lang nila. Tas sasabihan ka rin nila ng ganyan. Sila rin yung lagi mong katext pag ayaw  kang itext ng kras mo. 

Sila rin yung mga babaeng balahura, sa ibang bagay ! 😄 HAHAHA Pasensya totoo naman. Sila rin yung kadamay mo, pag mahirap yung quiz / test. Sitsitan mo lang sila, alam na nilang signal mo yun. Tas titingin sila sayo, mag sign language kayo, kung anong # wala ka pang sagot. Tas agad agad nyang sasabihin yung sagot nya. Yung bang kahit 1 to 75, pareho yung sagot nyo. Okay lang sakanya.

Sila rin yung mga magsasabe sayo na mag review ka, pero pagdating sa test. Papakopyahin ka rin nila. Sila rin yung pag tinext mo ng kahit “UY” lang, magrereply agad sila. Sila yung laptrip kausap sa school, tuwing vacant. Sila yung kasama mo, pag may kaaway ka. Yung kaaway nyo, nagiging kawawa na dahil sainyo, kasi kung maka lait kayo sa kanya wagas wagasan lang. Parang mga walang bukas. 

Sila rin yung kasama mo pag mag sleep over kayo. Pero imbis na ang pinunta nyo dun e dahil sa sleep. E mag uusap lang kayo ng kahit ano. Sila rin yung sasamahan ka sa groupings mo, pag alam nilang wala kang close dun. Yung tipong, pag groupings, tas magka group kayo, may sarili kayong mundong dalawa, kaya madalas napapagalitan kayo. Tas, tatahimik, tas mag-iingay ulet. Parang wala lang. 😄

Sila rin yung kadaldal mo sa classroom nyo, yung feeling na galit na galit yung president nyo, dahil maingay daw ang room. Pero wala kayong gagawin. Ngingitian nyo lang sya. Tas gagawin nyo ulet yung business nyo. Hindi nyo papansinin yung president nyo. Napaka bait! Sila rin yung kasama mo, pagdating sa lakwatsa lakwatsa. Sila rin yung manlilibre sayo, pag wala ka ng pamasahe. Pero bago ka ilibre, dapat magmakaawa ka muna. Syempre, dapat may ganung factor noh!

Sila rin yung laging nagla like ng mga pictures mo sa FB, Twitter, instagram. Kahit na sasabihan ka nilang chaka, pero sa totoo, natutuwa yung mga yun. Kasi nakita nila yung picture mo. Sila rin yung magasasabe sayo ng I hate you,. pero sa totoo. Love na love na love ka nila. Haha. Ganun lang naman sila, syempre. May Shy type naman kahit papano. Pero yung totoo, ganun lang yung way nila para mapakita nila na mahal ka nila. Ang weird lang nu? Pero aminin mo, ganyan ka rin minsan sa kaibigan mo. Minsan nga mag i love you ka pero may yack. Pero yung totoo, mahal mo talaga sila. Hay. 😄

Bat ba ang emotera ko? Ewan ko lang, mabilis rin kasi akong umiyak, pag dating sa kanila. Kasi tignan mo, ang tagal tagal na namin magkakaklase. Talagang attached na ko sa mga lukring na yun, kahit mga ganun ugali ng mga yun. Mga mahal ko yun. 😛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s